Author Name: GlobalVoices.
(C) GlobalVoices.org
This unaltered story was originally published on GlobalVoices.org.[1]
Republishing Guidelines:
url:
https://globalvoices.org/about/global-voices-attribution-policy/
--------------------
Georgia: Mga Aktibistang LGBT, Binugbog ng Pangkat ng Orthodox [1]
['Mirian Jugheli']
Date: 2012-05-26 00:47:52+00:00
Sa kauna-unahang pagkakataon na ipinagdiwang ang Pandaigdigang Araw Laban sa Homophobia sa bansang Georgia noong ika-17 ng Mayo, hinarangan ng isang pangkat ng Kristiyanong Orthodox ang parada ng mga aktibistang LGBT sa gitna ng lansangan sa bayan ng Tbilisi, kabisera ng Georgia.
Nagmatigas ang grupong Union of Orthodox Parents (UOP) na pinamumunuan ng mga pari, at nanawagan na ipatigil ang nasabing pagmartsa. Niyuyurakan daw nito ang moralidad ng bagong henerasyon ng bansa na karamihan ay Kristiyano.
Nakiusap naman ang mga aktibistang LGBT na tumabi ang mga UOP upang maipagpatuloy nila ang pagmartsa. Ngunit matapos mabigong kumbinsihin ng UOP at mga pari ang mga nakabantay na pulis, naging pisikal ang kaguluhan.
@gabo_ge: Mga pulis inaresto ang tatlong aktibista ng Identoba, isang organisasyon na nagsusulong ng mga isyung LGBT.
@temuchin22: Nanggulpi ang UOP, at inaresto naman ng pulisya ang mga binugbog, anong klaseng
pulisya yan, dapat UOP ang inaresto.
@lishtotah [en]: LGBT activism limited to “holding the very first pride” will only fuel #homophobia in #Tbilisi :queer here:
@lishtotah: Titindi lamang ang #homophobia sa #Tbilisi, ngayong naunsyami ang kilusang LGBT na “makapagdaos ng kanilang kauna-unahang martsa”
@JohnHesslewood [en]: If your main argument is ‘how can you promote something like that in the street’ then I would ask the same thing of you, christians #tbilisi
[END]
(C) GlobalVoices
Licensed under Creative Commons Attribution 3.0 Unported (CC BY 3.0)
[1] Url:
https://fil.globalvoices.org/2012/05/georgia-mga-aktibistang-lgbt-binugbog-ng-pangkat-ng-orthodox/
via Magical.Fish Gopher News Feeds:
gopher://magical.fish/1/feeds/news/globalvoices/