Mandriva Linux

          Mga Instruksiyon sa Pag-i-install - Mandriva Linux 2007

  Kinakailangang kompigurasyon
    * Pentium processor o katumbas
    * CDROM drive
    * Dapat may 32 MB RAM, 64 MB rekomendado

  Ang pag-i-install ng Mandriva Linux, sa karamihan ng sitwasyon, ay kasing
  dali lamang ng paglagay ng inyong Installation CD sa inyong CDROM drive,
  at pag-re-restart ng inyong computer. Pakitingnan na lamang ang point 1.

  PAALALA:

   * Kung kayo ay mag-a-upgrade mula sa 7.x, 8.x o 9.x na mga bersiyon ng
     Mandriva Linux, huwag kalimutang i-backup ang inyong sistema.
   * Ang pag-a-upgrade mula sa mga mas lumang mga bersiyon (bago mag 7.0)
     ay HINDI suportado. Sa ganung sitwasyon, kailangan ninyong
     mag-fresh installation at huwag ang pag-a-update.

============================================================================

  Sa ibaba ay nakalista ang iba't-ibang paraan ng pag-i-install ng
  Mandriva Linux:

   1. Mag-boot diretso mula sa CD
   2. Gumawa ng boot floppy gamit ang Windows
   3. Ibang paraan ng pag-i-install

============================================================================

 1. Mag-boot diretso mula sa CD

  Ang Installation CDROM ay bootable. Sa karamihan ng sitwasyon, ipasok
  lamang ang CD sa loob ng drive at i-reboot ang computer. Sundin ang
  mga instruksiyong nakasaad sa screen: pindutin ang [Enter] key para
  simulan ang pag-i-install, o pindutin ang [F1] para sa karagdagang
  tulong.

  PAALALA:

  Sa ilang laptops (mga portable computers), ang sistema ay maaaring hindi
  makapag-boot mula sa CD. Sa ganung sitwasyon, kailangan ninyong maghanda
  ng boot floppy. Tingnan ang point 2 para sa mga detalye.

============================================================================

 2. Gumawa ng boot floppy gamit ang Windows

  Kung ang inyong computer ay hindi makapag-boot mula sa CDROM, kailangan
  ninyong gumawa ng boot floppy gamit ang Windows gaya ng sumusunod:

   * ipasok ang CDROM, tapos ay buksan ang icon na
     "My Computer", i-right click ang CDROM drive
     icon at piliin ang "Open"
   * pumunta sa "dosutils" na direktoryo at
     i-double-click ang "rawwritewin" icon
   * magpasok ng walang lamang floppy sa loob ng floppy drive
   * piliin ang "D:\images\cdrom.img" sa may "Image File"
     field (inaasahang ang CDROM drive ay "D:",
     kung hindi ay palitan ang "D:" sa kailangan)
   * piliin ang "A:" sa may "Floppy Drive" field tapos ay
     i-click ang "Write".

  Sa pagsimula ng installation:

   * ipasok ang CDROM sa loob ng drive, pati na rin ang boot floppy, tapos ay
   * i-restart ang computer.

============================================================================

 3. Ibang paraan ng pag-i-install

  Kung sa anumang rason ang mga nakaraang paraan ay hindi tugma sa inyong
  pangangailangan (gusto niyong mag-network install, mag-install mula sa
  pcmcia devices o ...), kailangan niyo ring gumawa ng boot floppy:

   * Sa ilalim ng Linux (o ibang makabagong mga sistemang UNIX) i-type
     sa prompt:
     $ dd if=xxxxx.img of=/dev/fd0
   * Sa ilalim ng Windows, sundin ang paraan na nakasaad sa point 2, pero
     gamit ang xxxxx.img (tingnan ang ibaba) maliban sa cdrom.img.
   * Sa ilalim ng DOS, inaasahang ang inyong CD ay drive D:, i-type:
     D:\> dosutils\rawrite.exe -f install\images\xxxxx.img -d A

  Ito ang listahan ng mga boot images:

 +-----------------+------------------------------------------------------+
 | cdrom.img       | mag-install mula sa CD-ROM                           |
 +-----------------+------------------------------------------------------+
 | hd_grub.img     | mag-install mula sa hard-disk (mula sa Linux,        |
 |                 | Windows, o ReiserFS filesystem)                      |
 |                 | maaari ninyong i-configure ito para sa inyong        |
 |                 | sistema sa: http://qa.mandriva.com/hd_grub.cgi   |
 +-----------------+------------------------------------------------------+
 | network.img     | mag-install mula sa ftp/nfs/http                     |
 |                 | PAALALA: kailangan ninyong ipasok ang                |
 |                 | network_drivers.img sa loob ng inyong floppy drive   |
 |                 | kung sinabihan                                       |
 +-----------------+------------------------------------------------------+
 | pcmcia.img      | mag-install mula sa mga pcmcia devices (babala,      |
 |                 | karamihan ng pcmcia network adapters ngayon ay       |
 |                 | diretso nang suportado mula sa network.img)          |
 +-----------------+------------------------------------------------------+

  Maaari niyo ring i-burn ang boot.iso sa CDROM at mag-boot gamit ito.
  Suportado nito ang lahat ng paraan ng pag-i-install, cdrom, network,
  at hard-disk.

============================================================================

  Maaari niyo ring gamitin ang text mode na pag-i-install kung, sa anumang
  rason, ay may problema kayo sa default na graphical na pag-i-install.
  Sa paggamit nito, pindutin ang [F1] sa may Mandriva Linux welcome screen,
  at i-type ang text sa may prompt.

  Kung kailangan niyong i-rescue ang inyong kasalukuyang sistema ng
  Mandriva Linux, ipasok ang Installation CDROM (o anumang puwedeng boot
  floppy), pindutin ang [F1] sa may Mandriva Linux welcome screen,
  at i-type ang rescue sa may prompt.

  Tingnan ang http://www.mandrivalinux.com/drakx/README
  para sa mga karagdagang teknikal na impormasyon.

============================================================================

 Sa ibaba ay ang mga pangunahing hakbang ng pag-i-install:

  1. Ipasok ang Installation CDROM (o Installation Floppy disk kung
     kailangan) at i-restart ang inyong computer.
  2. Pindutin ang [Enter] kung ang Mandriva Linux welcome screen
     ay lumabas at sundin ng mabuti ang mga instruksiyon.
  3. Kung kumpleto na ang pag-i-install tanggalin ang CD-ROM sa
     pag-eject (at anumang floppy disk kung may laman ang drive); ang
     inyong computer ay mag-re-restart. Kung hindi, i-restart ito.
  4. Ang Mandriva Linux ay magsisimula. Pagkatapos ng bootup, maaari na
     kayong mag-login sa inyong computer sa ilalim ng user account na
     ginawa habang nag-i-install, o bilang "root".

  Mahalagang paalala:

  Ang "root" na account ay magbibigay sa inyo ng unrestricted access sa
  inyong sistemang Linux. Huwag gamitin ito maliban sa pag-configure o
  pag-administer ng Linux. Sa pang-araw-araw na gamit, gumamit ng normal
  user account na maaari ninyong i-configure gamit ang "userdrake"
  tool, o gamit ang mga commands na "adduser" at "passwd".

                    Mabuhay sa paggamit ng Mandriva Linux!

============================================================================

  Para sa karagdagang suporta, tingnan ang sumusunod:

   * E-Support sa http://www.mandrivaexpert.com/
   * Mandriva Linux Errata sa
     http://www.mandrivalinux.com/en/errata.php3
   * Mandriva Linux Security Advisories sa
     http://www.mandriva.com/security/advisories/
   * On-line na Dokumentasyon sa http://www.mandrivalinux.com/en/fdoc.php3
   * Basahin at sumali sa On-line Discussion Forums ng Mandriva Club sa
     http://club.mandriva.com
   * Sumali sa mga Mailing List sa
     http://www.mandrivalinux.com/en/flists.php3
   * Madaling Mapaghahanapang Mailing List archives sa
     http://marc.theaimsgroup.com/
   * Maghanap sa Internet gamit ang Google for Linux
     http://www.google.com/linux
   * Maghanap sa Usenet Groups gamit ang Google Groups sa
     http://groups.google.com/groups?group=comp

============================================================================